Télécharger
123movies search icon
Téléchargerslide
123movies search icon
muted

It's Showtime

0
/10
0 notes
2026Philippines

JackPOT sa tawanan ang January 16 episode ng 'It's Showtime" kung saan bumida sa 'Laro Laro Pick' game arena ang madlang players na taga-Parañaque. Nag-enjoy sina Vice Ganda, Jhong Hilario at Kim Chiu sa pakikipagkuwentuhan kay Jo, ang housewife na bagama't may edad na ay litaw pa rin ang ganda. Mapapa-'sana all' ka, dahil si Jo, maraming naging manliligaw noong kabataan niya! At 69, may swag pa rin si player Ester. Ang ice candy niya, bestseller! Ito nga ang kanyang hanapbuhay matapos 'mag-retire' sa pagseserbisyo sa barangay. Pero, si nanay Ester, 'na-scam' ng isang taga-Makati na madalas umutang ng ice candy na ire-resell pero hindi naman nababayaran. Lugi raw siya sa liit ng kanyang puhunan. At kapag hindi naubos ang ice candy ni reseller, how true na ibinabalik ito kahit tunaw na? Naaliw sina Meme sa kuwento ni Ester, kaya biniro nila ito na pangalanan ang nasabing reseller. Samantala, sina Lassy at MC, may tampuhan? Para walang lamangan, pwede raw bang 'collab' na lang sa game arena at maglalaro sila as one? Ang 'chika' pa ni Meme, nagtataka raw si MC kung bakit sa C.R. nagme-make up si Lassy! Ano bang kwento, Lassy? Napabilis ang pagkakapanalo ni Alvin, isang former government employee na ngayo'y rumaraket sa pagtuturo ng tribal dance. Pinag-sample si Alvin. Pati sina Vhong , Kim at Jackie Gonzaga, kumasa sa hamon ni Vice Ganda. Parang sayaw, dapat sabay sa beat ng tawaran ang paglalaro ni Alvin. Sa huli tinanggihan niya ang P250,000 Pot question, para sa P35,000 Li-Pot offer, na tamang desisyon para kay Alvin. Do-re-mi-fa so perfect together talaga ang mga duos na ang tinig ay pinagsama. Ang goal nila, ma-impress sina hurado Kyla, Erik Santos, Yeng Constantino, Jonathan Manalo, at Punong Hurado Louie Ocampo upang makamit ang isang puwesto sa Huling Tapatan sa Sabado. Unang sumalang sa entablado ang 'Produ-Singers' Mike Luis at Shan dela Vega, na inawit ang "After The Love Has Gone." Tuloy pa rin sa performance bagama't nabilangan nina hurado Jonathan at Maestro Louie. Paliwanag ni Punong Hurado Louie, hindi na-meet nina Mike at Shan ang expectations niya, "I was a bit thrown off and disappointed with the choices of the harmony you decided to use." Naging teknikal si Maestro Louie sa pagpapaliwanag ng mga "off" parts ng performance. Nakakuha ang Produ-Singers ng markang 88.8%. Pinatunayan nina 'OST Dreamers' Christian Tibayan at Arvery Lagoring na ang mga puso natin ay kaya nilang tunawin sa kanilang awitin. Pinaiyak ng duo ang ilang tao sa studio, kabilang na si hurado Kyla, pati sina Ion Perez at Jackie, as they sang "Anong Nangyari Sa Ating Dalawa." Napa-standing ovation din ang mga hurados sa performance. Sabi ni hurado Kyla, para siyang nanood ng isang pelikula na sa sobrang affecting ay umiiyak pa rin siya five minutes after the final scene. Natalo nina Christian at Arvery ang unang duo (Mike Luis at Shan) sa score na 96.4%. Bandera ng mga Cebuano ay muling iwinagayway ng 'BAI-TASTIC DUO' Dan Cabarillo at MC Cabaluna, na mas ni-level up pa ang kanilang dynamic, singing Bamboo's "Tatsulok." Kuhang-kuha ng duo ang puso ni hurado Yeng, na naramdaman ang kanilang gigil at "ipinaglalaban." Nagpasalamat din si hurado Jonathan sa pagpili nina Dan at MC ng "Tatsulok" dahil ito, aniya, ang kanta na kailangang marinig ng mga Pilipino ngayon, pero nakulangan siya sa excitement, na kinontra ni hurado Yeng. Dahil para kay Yeng, na-appreciate niya ang straightforward style ng dalawa. Bigo ang BAI-TASTIC na higitan ang score ng OST Dreamers, matapos makakuha ng 90.8%. #TNTDuets2nayNaLaban #ItsShowtime #ABSCBNEntertainment

Reality

Recommandé